First of all,just wanted to greet each and everyone a very belated Happy Valentine’s Day!
Well, nagsimula ang lahat nung Saturday, o di ba Valentine’s na Valentine’s…..hehe…
Ayun, na-over ata kaya eto ngayun……
kasi nung umaga, e as usual nagayos ng aking mga halaman at nagdilig. Pagtapos namalengke.Pauwi di pa din sumakay ng tricycle, ayun binuhat ang mabigat na bayong. Bago magsimba, naggarden pa din,last 30 minutes ayun e di naligo.
kinagabihan, nanakit lahat ng aking kasu-kasuan,lalim no….hehe….
akala ko mawawala na sya, baka DOMS lang or muscle soreness lang.
The next day, still the same.may sinat sinat na din. Tapos kinahapunan, umalis pa ako magisa. Yung isang errand natapos ko na.eto na po, the 2nd one,pagdating ko sa Supermarket. I get a cart,mabilis ko kinuha yung mga bibilhin ko and nung nasa pila na ako, i mean the cashier.wala na talaga, Pinagpapawisan na ako, nahihilo na ako.Yung tao nga na nagpabantay nung cart nya umoo na lang ako but di ko na makita yung face nya. sumandal na ako sa cart and I prayed Lord matapos ko lang po itong gawain ko.kasi my knees are buckling and ang paligid ko nagdidilim.nang palabas na ako,I asked for help kung pwede ipahatid lang ako sa sakayan ng tricycle,kasi baka matumba na talaga ako. At sa awa ng Diyos nakauwi naman ng maluwalhati.Pagdating sa bahay blackout na talaga, buti nakauwi na ako.Nakakatakot yung ganung pakiramdam at wala kang kasama.
eto, day 3. may sinat pa din.uminom na din ng gamot.I am suspecting Dengue but I rebuke that. Kaya magpapatingin na ako.ayoko ng ganitong feeling wala akong magawa.ang bilis kong mapagod.ang bigat sa pakiramdam. kung anu man ito sana gumaling kaagad. I know that he’s the best doctor and he’ll never leave me and he’ll heal me.
panu got to go,di na kaya ng powers ko.pahinga na ako!
GodBless!!!